Nakatulala at ang isipan ay labis na tuliro
Nag-iisip ng mga bagay na sa puso'y gumugulo
Nagmamatyag sa kawalan, nangangarap, nagsusumamo
Kailan makakaalpas sa sitwasyong walang patungo
Ang katawa'y nagsusumikap kumayod ng todo-todo
Mga binting pumapadyak sa daang puro na lang liko
Magpapabuntong hininga na lamang ba sa ganito
Sa kalagayang ang hirap binagsakan pa ng mundo
Hanggang sa panaginip na lamang ba ang lahat ng ito?
Imulat man mga mata sa kung ano ang totoo
Ano ba ang dapat gawin, san magsisimula't paano?
Kailan kaya magwawagi, bakit ba ang hirap manalo?
Wala
Wala talaga
Wala talagang magawa
Kaya dinadaan na lang sa kanta
Wala
Wala talaga
Wala talagang magawa
Kaya dinadaan na lang sa kanta
Mabuti pa't ayain na lahat ng 'yong katropa
sumigaw, humiyaw hangga't may boses na natitira
'Wag tumigil at umasa na mayrong pag-asa pa
Sapagkat sasapit din liwayway ay magbubuka
Katulad ng sa araw, ikaw ay sisikat din
Mga tala sa kalawakan, ika'y titingalain
Lupa mong tinatapakan, na langit sa paningin
Basta't wag ka lang bibitiw sa iyong mga adhikain
Ilang beses mang madapa, kailangan mong bumangon
Sa putik ng karimlan dapat ay umahon
At sa iyong pagtatawid kailangan lang ay lumingon
Mga harang sa dinaraanan ay iyong itapon
Wala
Wala talaga
Wala talagang magawa
Kaya dinadaan na lang sa kanta
Wala
Wala talaga
Wala talagang magawa
Kaya dinadaan na lang sa kanta
Kung minsan ay itago, sakit na nararamdaman
Pangamba ay lilipas, loob mo ay tibayan
Problema ay mawawala, sulirani'y hayaan
Mga kumukutya sa'yo, sila'y iyong pagtawanan
Bago pumatak ang luha, dapat mo nang pigilan
Wag mong ipakita sa iba na ikaw ay nasasaktan
Mayron ding kapalit na pwedeng mapakinabangan
Basta't maghintay ka lamang, iyan ay masusundan
Hayaan mong lumipad ang iyong mga pag-aalinlangan
Ituloy ang iyong laban, 'wag sumuko kailanman
Tagumpay ay makakamit, iyong pakakaasahan
Pagkat nandito lang ako, tunay mong kaibigan
------
PS.
inedit to ni eric
-ewan.. hehe
No comments:
Post a Comment